Custom Search

Thursday, January 29, 2009

Kape


Matagal-tagal ko na rin binalak maglagay ng entry sa blog ko sa wakas, eto na.

Kanina pa ko takam na takam sa kape. Kanina pang umaga sa ospital habang may check-up ang nanay ko. Inabot din kami ng ilang oras dahil maraming pasyente. Pag-uwi ko bumili agad ako ng kape sa bakery sa kanto namin. Bigla kong naisip yung nabasa ko noong isang araw, yung Starbucks Principle ni Nick Garcia. Ano nga ba ang Starbucks Principle? Eto yung link para di na ko magpaliwanag ( http://greene2.multiply.com/journal/item/30/The_Starbucks_Principle_mga_post_na_nai-post_na_at_ipo-post_ulit ). Iniisip ko kung na-apektuhan na nga ba ko ng kaisipang ito? Mahaba-haba ring pagninilay at flashbacks. Naalala ko pa nung una kong trabaho sa callcenter. Tuwing breaktime makikita ko ang mga Kano kong boss na may hawak na malalaking baso ng Starbucks. Pati mga Filipino na Trainer at Team Leader namin ganun din ang hawak. Lima kaming barkada sa opisina. At ako ang official na tagapagtimpla ng kape. Mantakin nyo, magtitimpla ko sa blue ko na mug ng isang 3 in 1, kaming lima na maghahati-hati doon. Di ko talaga ma-gets kung bakit ko kailangang bumili ng ganoong kamahal na kape eh may hot water naman, may 3 in 1 naman. Sa huli ko naman trabaho, callcenter pa rin, 1 beses lang yata ako pumasok ng Starbucks kasama si Samantha (kaopisina) dahil may hinihintay kami at para mag-laro ng tong-its. Madalas, kapag nagyaya naman si Al-j (bespren) na magkape, sa Coffee Bean and Tea Leaf kami pero madalas siya ang taya. Pero alam ko naman na si Al-j eh mahilig talaga sa kape at hindi nandoon lang para dumisplay. Eventually, hindi na rin kami masyado pumupunta doon kasi may coffee maker naman s'ya sa bahay. Ako, sa totoo lang, mas gusto ko pa Kopiko 3 in 1 o kaya Kapeng Barako. Buti na lang ang nobya kong si Weng eh taga Batangas. Basta may luluwas ng Manila galing Batangas magbibilin na kami ng Kapeng Barako. Buti pa yon, kahit 3 beses mo pa pakuluan may katas pa rin. Ewan ko ba? Masyado ng kumplikado at mahal ng buhay ngayon. Pagnadadaan nga ako sa Starbucks dito sa amin makikita mo lahat ng klase ng tao. May matanda, may bata. May professional, may estudyante. May nag-mamake up, may naglalaptop, may nag-cecellphone, may nakataas ang paa, may nag-yoyosi, may nagbabasa, may nag mp3, basta lahat makikita mo doon. Iniisip ko tuloy, ito kayang mga ito nakatikim man lang ba ng Kapeng Barako? Ano ba panama ng Cafe Americano sa Kapeng Barako kung pa-morningan lang din naman ang labanan? Minsan kahit mahal basta makasunod lang sa uso go na lang ng go. Karamihan naman diyan estudyante, bigay ng nanay o tatay ang pera. Nanay at tatay nga nila nasa bahay nagtitimpla lang ng kape. Madaling idepensa, Coffee lover kasi ako eh. Sana nga! Sana nga hindi ka nandyan para dumisplay. Sana nga hindi ka nandyan dahil feeling mo ikatataas ng status mo. Sana nga hindi ka nandyan para mag-take ng picture pang primary pic. Sana nga hindi ka nandyan para kumuha ng souvenir na napkins, sugar at creamer. Tama na nga yang sana na yan. Mahirap pala mag-closing noh? Basta yan, talo-talo na yang entry ko ha.

No comments:

Post a Comment